Nasawi ang isang empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) habang nagsasagawa ng tree-prunning operations sa Sta. Mesa , Maynila noong Linggo, Marso 15, 2026.
Ayon sa mga ulat, 46 taong gulang ang biktima na tubong Marikina City.
Isang kasamahan pa niyang 62 taong gulang ang naiulat din na nasaktan mula sa insidente.
Ayon sa Manila Police District (MPD), aksidenteng nadagi sa live wire ang mga biktima.
Agad na isinugod sa Our Lady of Lourdes Hospital ang mga biktima. Bamaga't nakaligtas ang 61-anyos na empleyado ng MMDA, idineklara namang dead on arrival ang ang 46 taong gulang na biktima.
Patuloy naman ang obserbasyon sa biktimang nakaligtas mula sa insidente habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.