April 13, 2026

Home BALITA Probinsya

'Mass shooting' na ikakasa ng ilang kabataan sa Calabarzon, napurnada!

 'Mass shooting' na ikakasa ng ilang kabataan sa Calabarzon, napurnada!

Nabigo ang pinaplano umanong mass shooting ng ilang menor de edad sa Calabarzon Region matapos itong matimbrehan ng Anti-Cybercrime Group (AVG).

Ayon sa kumpirmasyon ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Marso 16, 2026, matagumpay na nai-turn over ng ACG ang mga menor de edad na kinabibilangan ng limang binatilyo at dalawang dalagita sa local social welfare office noong Pebrero 2.

Habang isa naman sa kanila ang inilagay sa National Center for Mental Health.

Lumalabas sa imbestigasyon na plano sanang ikasa ng grupo ang isang mass shooting noong Pebrero 16 sa isang eskwelahan.

Sinasabing nagkaroon daw ng palitan sa social media ng mga litrato at video ng iba't ibang insidente ng mass school shooting ang naturang kabataan. 

Probinsya

‘One Cainta Pantry,’ muling binuhay dahil sa krisis

Kalakip ng mga litrato at video ang usapan umano nila ng paggamit ng mga molotov cocktail, bomba at fire extinguishers sa pag-atake sa isang hindi na pinangalanang paaralan.

Samantala, kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang cellphone ng pitong menor de edad.

Kaugnay nito, nagbabala naman si PNP Chief Jose Melencio Nartatez, Jr., sa mga magulang hinggil sa paggabay sa kabataan sa mga nilalaro at nakakausap nila sa online games at social media.

"Let us be 'digital guardians.' Let us not leave our children alone to talk to people on a screen. Know who they play with," ani Nartatez.

Saad pa niya, "Gaming is a social space. If you wouldn't let a stranger into your house, don't let them into your child's headset or chatbox."