Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pilipinong masaya sa demokrasyang umiiral sa Pilipinas, ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS).

Base sa survey na isinagawa nitong Marso 23-27, lumalabas na mula sa 1,200 respondents, 78 porsiyento ng mga Pilipino ang kuntento sa nagagawa ng demokrasya sa bansa. Bumaba ito ng dalawang puntos mula sa 80% noong Hunyo 2017, at malapit sa 79% noong Hunyo 2016.

Ayon sa SWS, nananatiling mataas sa 60%, simula noong Hunyo 2010, ang nagsasabing masaya sila sa umiiral na demokraksya sa bansa. Humigit naman ito sa 50% ng dalawang beses sa 31 survey mula Oktubre 1999 hanggang Hunyo 2009.

Lumabas din sa resulta ng SWS survey na 60% ang nagsasabing “democracy is always preferable to any other kind of government”, kumpara sa 19% na nagsabing “under some circumstances, an authoritarian government can be preferable to a democratic one”. at 21% na sinabing “it does not matter whether we have a democratic or a non-democratic regime.”

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

-Ellalyn De Vera-Ruiz