Nagtungo ang mga opisyal ng pamahalaan sa ilang pamilihan sa Metro Manila, upang matukoy ang mga negosyanteng nananamantala sa ipinatutupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) sa bansa.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), sunud-sunod ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin kaya nararapat lamang silang gumawa ng hakbang laban dito.

Aalamin ng DTI kung pasok pa sa suggested retail price (SRP) ang mga pangunahing bilhin.

Umikot kahapon ang mga tauhan ng DTI sa mga pamilihan at inalam ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng sardinas, processed milk, kape, sabong panligo at panlaba, instant noodles, kandila, tinapay, at bottled water.

National

143 Pinoy, pinagkalooban ng pardon ng UAE – PBBM

Pangungunahan naman ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, ng Consumer Protection Group, ang inspeksyon sa susunod na mga araw.

-Beth Camia