NASIGURO ng Letran ang isa sa quarterfinals berth sa Group B makaraang pataubin ang Arellano University, 71- 63, kahapon sa 2018 Filoil Flying V Pre Season Cup sa San Juan City.

Tinapos ng Knights ang eliminations na may markang 5-3, sa likod ng mga namumunong St. Benilde at Far Eastern University na kapwa may barahang 6-1, at pumapangalawang Adamson na may kartadang 5-2.

Umiskor ng 18 puntos si Bong Quinto habang nag-ambag ng tig-11 puntos sina Christian Fajarito at Jerrick Balanza upang pangunahan ang nasabing panalo.

Bunga nito, pormal ng nakumpleto ang quarterfinalists sa Group B kahit pa magkaroon ng 3-way tie sa 4th spot sakaling manalo ang San Sebastian College(4-3) sa St. Benilde at matalo ang Adamson sa Lyceum sa pagtatapos ng eliminations sa Biyernes (Hunyo 15).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Makakatunggali nila sa playoffs ang top 4 finishers sa Group A na kinabibilangan ng Ateneo, La Salle University of the Philippines at San Beda.

Nagtaapos namang topscorer para sa Chiefs na bumagsak sa markang 3-4 si Ongolo Ongolo na nagposte ng 13 puntos,9 rebounds at 5 assists.

-Marivic Awitan

Iskor:

LETRAN (71) – Quinto 18, Balanza 11, Fajarito 11, Calvo 10, Batiller 7, Muyang 6, Ambohot 4, Agbong 2, Balagasay 2, Yu 0, Taladua 0, Banes 0, Mandreza 0, Celis 0.

ARELLANO (63) – Ongolo Ongolo 13, Concepcion 8, Canete 7, Meca 7, de la Cruz 6, Abanes 5, Abdurasad 4, Alcoriza 4, Codinera 3, Chavez 2, Santos 2, Dumagan 2, Labarda 0, Bayla 0, Sera Josef 0.

Quarterscores: 17-17 31-31, 49-46, 71-63.