MAY bagong trabahong pinasok ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas. Siya ngayon ang manager ng rap group na Ex Battalion.

At sa pagbabalik ni Ai Ai sa Viva at sa muling pagbibida sa pelikula ay makakasama niya ang Ex B, na nagpasikat sa kantang Hayaan Mo Sila.

“Napanood ko sa YouTube ang sikat na grupo at agad akong nag-set ng meeting. Hihilingin ko sa kanila na igawa ako ng kanta, dahil gusto kong magkaroon ng hit record,” kuwento ni Ai Ai kung paano siya naging manager ng grupo.

“We met at okey sa kanila na igawa ako ng kanta. Ang naging ending ay kung payag ba akong maging manager nila since wala silang alam sa kalakaran sa showbiz. Nanaig sa akin ang pusong ina, kaya pumayag ako,” sabi ng komedyana.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Isinulat ni Mel del Rosario ang script ng pelikula, at magsisimula na next month ang shooting, sa direksiyon ni Dado Lumabao.

Samantala, bago matapos ang taon ay gaganapin ang first big concert ng Ex B. ‘Ika nga, going mainstream na ang grupo.

Itinatag ang Ex B anim na taon na ang nakalilipas, at ini-release ang mga awiting Need You at Tell Me—na napabilang sa Top 10 of Philippine hit chart.

Last year lang ini-release ng Ex B ang Hayaan Mo Sila, na sa nakalipas na mga buwan ay patuloy na namamayagpag sa airplay, social media, streaming at downloading sites.

-REMY UMEREZ