Nagkaisang muli ang Pilipinas at Amerika sa paglaban sa human trafficking, lalo na sa mga bata.

Sa pulong nitong Mayo 22, nangako sina U.S. Embassy Chargé d’Affaires Michael Klecheski at Acting Philippine Secretary of Justice Menardo I. Guevarra na ipaprayoridad ang paglaban sa human trafficking.

Nangako rin ang dalawang opisyal na patuloy na susuportahan ang bilateral Child Protection Compact (CPC) Partnership na nilagdaan noong Abril 11, 2017 para labanan ang child trafficking, sexual exploitation sa mga bata online at child labor trafficking.

Naglaan ang U.S. State Department ng US$3.5 milyon (P175-M) para gamitin sa Monitor and Combat Trafficking in Persons at US$800,000 (P40-M) para sa Inter-Agency Council Against Trafficking in Persons (IACAT) ng Department of Justice upang maabot ang mga layunin ng CPC partnership.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

-Bella Gamotea