Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean na umano’y nanggantso ng mahigit 42.2 Million Won ($390,000) sa mga kababayan nito sa pagpapanggap na mamamahayag.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nakatakdang palayasin sa bansa si Yun Jong Sik, 39, kasunod ng kanyang pagkakaaresto noong nakaraang linggo sa Guadalupe, Makati City.
Ayon kay BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval, si Yun ay nahaharap sa apat na outstanding arrest warrants na inisyu ng korte ng Korea kung saan siya kinasuhan ng panggagantso. Siya ay nagtatago sa bansa ng halos 10 taon.
Ang isa sa mga kasong k i n a k a h a r a p n i Yun ay kinabibilangan ng dalawang Koreana na inengganyo niyang magbigay ng pera, sa pamamagitan ng Internet, sa pagpapakilalang siya ay mamamahayag na nagtapos sa sikat na unibersidad sa Amerika.
“He was charged with receiving more than 42.2 Million Won from the victims through deceit and lies which he committed on 16 occasions between August and September 2013,” pahayag ni Sandoval.
Nag-isyu si Morente ng mission order para sa pag-aresto kay Yun, sa kahilingan ng Korean Embassy nagpaalam sa BI hinggil sa mga kaso nito.
“We will not allow criminals to use the Philippines to hide from justice. He will be deported, and will be banned from returning to the country,” dagdag ng BI.
-Jun Ramirez at Mina Navarro