HINDI pa rin humuhupa ang dati nang lumutang na isyu na may planong kumandidatong mayor ng Quezon City si Willie Revillame, pero tatakbo nga ba siya?

Willie

Kaya namin ito naitanong ay dahil dumalo ang TV host sa isang event kung saan naroon din si President Rodrigo Roa Duterte, at base rin sa mga nakuhang videos at litrato ay masayang nag-usap ang dalawa.

Hmm, ang lakas talaga ang appeal ni Willie Boy sa mga senior citizen, dahil hindi lang ang mga sumusubaybay sa programa niyang Wowowin sa GMA 7 ang nahumaling sa kanya, nakuha na rin niya ang kiliti ni President Duterte.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sitsit pa ng aming source, ang tagal daw nag-usap ng dalawa, at idinagdag na susuportahan daw ni Pangulong Duterte ang political plans ni Willie kapag nakapag-decide na ito.

At ang magiging ka-ticket, o vice mayor daw ni Willie, ay si 3rd District Rep. Winnie Castelo. Kaya raw laging magkasama ang dalawa ngayon ay naghahanap ng mapagpapatayuan ng pabahay sa Quezon City.

Hmm, inumpisahan na nga ni Congressman Winnie ang pamamahagi ng grocery items sa mahihirap sa Barangay San Roque, kamakailan.

-Reggee Bonoan