NASA ayos na lahat para sa paghahanda sa hosting ng 10th ASEAN Para Games na nakatakda sa Enero ng 2020.
Dumating sa bansa para magpulong ang ASEAN Para Sports Federation (APSF) meeting , kabilang ang mga kinatawan ng National Paralympic Committees (NPCs) at 11 miyembrong bansa tulad ng Malaysia, Indonesia, Thailand, Vietnam, Singapore, Myanmar, Brunei, Laos, Cambodia, Timor Leste at Philippines.
Ayon kay Andrew Parsons, pangulo ng International Paralympic Committee, ang Para Games hosting ay tapik sa balikat ng Philippine sports.
Sa ginawang pagpupulong, ibinigay ang halaga ng pagkakaisa sa 16 na sports na lalaruin kabilang ang Boccia, Chess, Cerebral Palsy Football, Football 5-A-Side, Goalball, Para Archery, Para Athletics, Para Badminton, Para Cycling, Para Powerlifting, Para Swimming, Para Table Tennis, Sitting Volleyball, Tenpin Bowling, Wheelchair Basketball at Wheelchair Tennis