DINUROG ng Creamline ang BaliPure, 25-22, 25-18, 25-16, upang makamit ang unang outright semifinal seat sa Premier Volleyball League Season 2 Reinforced Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Pinangunahan ni team skipper Alyssa Valdez ang ikalimang sunod na panalo ng Creamline sa naiposteng 15 puntos at 11 kills.

Sinamantala ng Cool Smashers ang mapaklang reception ng Water Defenders at pinaulanan ng sampung aces gayundin ang errors ng kalaban na umabot ng dalawampu’t anim.

Nag-ambag naman sa panalo ang kanilang Thai import na si Kuttika Kaewpin ng double –double -- 10 hits at 11 digs -- bukod pa sa pitong excellent receptions.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“It’s the same thing…we took it one game at a time,” ani Valdez. “But it’s more of a teamwork.”

Nag-ambag lamang para sa Balipure na bumaba sa patas na barahang 3-3 si American import Janisa Johnson ng 13 hits kasunod si Alexis Matthews na umiskor ng 10 puntos.

Sa isa pang laban, inangkin ng PayMaya ang isa pang outright semis seat matapos ang 27-25, 25-23, 25-17 panalo kontra PetroGazz na nag-angat sa kanila sa markang 4-2 .

Nagtala si American import Tess Rountree ng 19-kill game kasunod si Grethcel Soltones na umiskor ng 12 puntos upang pangunahan ang panalo ng High Flyers na pumutol sa three-game winning streak ng Angels at nagbaba dito sa markang 3-4.

-Marivic Awitan