MALINAW ang sagot ni Piolo Pascual sa presscon-launch niya bilang ambassador ng isang supplement: wala siyang love life at walang sex life.

Piolo Pascual

Pero tiniyak niyang masusundan pa ang anak niyang si Iñigo Pascual, dahil wish ng mom niya na madagdagan ang apo sa kanya.

“Baka ‘pag 50 na ako (he’s 41 years old) o bago tumanda ang mom ko. Gusto ko bigyan siya ng apo. As of now, it’s not on my list, gusto ko pa mag-enjoy sa buhay,” sabi ni Piolo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Gusto pa rin magtrabaho nang magtrabaho ni Piolo. Malapit nang simulan ang shooting ng Marawi, nag-ocular inspection na ang production team na kabilang siya sa cast. In fact, parang nag-immersion si Piolo sa role niya by practicing Ramadan, at sa presscon, sinabi niyang 15 days na raw siyang fasting at may 15 days pa siya.

May Since I Found You pa siya sa ABS-CBN, at busy rin bilang producer.

Kasama ang Marawi, apat ang pelikulang gagawin ni Piolo sa Spring Films, ang movie production nila nina Erick Raymundo at Direk Joyce Bernal.

Ginagawa nila ang animation na Hayop Ka, ang launching movie nina Iñigo at Maris Racal, at ang Cinemalaya entry na Kuya Wes, na pagbibidahan ni Ogie Alcasid.

Samantala, P149 lang ang ine-endorse ni Piolo na My Daily Collagen, na mabibilis sa leading drugstores. Payo ng aktor, mas mainam kung before bed iinumin ang nasabing gamot, na makatutulong din sa mga hirap sa pagtulog. Distributed ito ng Global Wellness Enterprises.

-Nitz Miralles