Isang pulis sa La Union ang inirekomendang sibakin sa serbisyo makaraang mahuli umano sa loob ng sabungan.

Nahaharap sa summary dismissal proceedings si PO1 Oswald Apiado, 36, operatiba ng La Union Police Provincial Office, at taga-Barangay Pagdildilan, San Juan, La Union.

Sinampahan ng kasong administratibo na grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer si Apiado sa National Police Commission (Napolcom).

Ayon kay Supt. Marlon Donato Paiste, hepe ng Regional Public Information Office sa Police Regional Office (PRO)-1, inirekomenda ni Regional Director Chief Supt. Romulo Sapitula ang pagsibak kay Apiado matapos itong mahuli sa loob ng Bauang Coliseum Cockpit Arena sa Bgy. Quinavite, Bauang, nitong Mayo 20.

PBBM, may mensahe sa araw ng Immaculate Conception: 'Serving others with compassion and humility'

-Fer Taboy