TAGAYTAY CITY -- Nakabalik sa kontensiyon si Filipino International Master Paulo Bersamina matapos manalo sa Round 5 ng 2018 Tagaytay Asian Universities chess championships nitong Martes sa Tagaytay International Convetion Center.

Galing sa fourth round na pagkatalo kay top seed International Master Xu Yi ng China, Si Bersamina, top player nina National University team manager Samson Go at United States Chess Federation master NU coach Jose “Jojo” Aquino Jr. ay pinasuko si International Master Muhammad Lutfi Ali ng Indonesia tungo sa 4.0 puntos, iskor din na naitala ni Fide Master Yoseph Theolifus Taher ng Indonesia na angat naman kay Rhenzi Kyle Sevillano ng Far Eastern University.

“With still four rounds left, it’s still anybody’s race,” sabi ng 20-anyos na si Bersamina na nakamit ang silver medal sa 2018 Philippine National Games standard chess competition kamakailan na ginanap sa Cebu City.

Nakopo naman ni Xu ang solong liderato matapos talunin si ertswhile co-leader International Master John Marvin Miciano ng Far Eastern University tungo sa 4.5 puntos matapos ang limang laro.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Mismong sina World Chess Federation (FIDE) Secretary- General at 7th district Cavite Rep. Abraham “Bambol” Tolentino Jr. at Woman Grandmaster Wang Jue ng Capital University of Physical Education and Sports ang nagsagawa ng ceremonial move bilang pormal na hudyat sa pagbubukas ng torneo.

Sa distaff side, nagpakitang gilas din si Woman International Master Marie Antoinette San Diego ng Dasmariñas City na sinuportahan ang kanyang kampanya nina Dasmariñas City Mayor Elpidio “Pidi” Barzaga Jr., congresswoman Jenny Barzaga at national coach International Master Roel Abelgas matapos makatabla kay No.1 seed Woman Grandmaster Wang Jue ng China tungo sa 4.0 na puntos at makapuwersa ng five-way tie for first place na kinabibilangan nina Wang, Woman International Master Mengjie Qiu at Xin Nie ng China at Woman Fide Master Sahajasri Cholleti ng Indonesia.

Tabla din si Woman International Master Bernadette Galas ng Makati City kontra kay Jerlyn Mae San Diego ng Dasmariñas City. Kasama ni Galas si Manli Liu ng China sa sixth hanggang seventh spots na may tig 3.5 puntos.