Hindi pabor ang pamahalaan na suspendihin muna ang pagpapatupad sa bagong tax reform law, sa kabila ng pag-ulan ng reklamo sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Dahilan ni Department of Finance (DoF) Assistant Secretary Paola Alvarez, magkakaroon lamang ito ng masamang epekto sa pagpopondo ng pamahalaan sa mga proyekto nito, katulad ng libreng tuition sa state colleges at universities, kapag maantala ang implementasyon nito.

Ito ang naging katwiran ni Alvarez sa panukalang batas ni Senator Bam Aquino na suspendihin muna ang excise tax sa fuel products kung lumagpas na sa target ng pamahalaan ang inflation rate nito.

Layunin ng mungkahing batas na maamyendahan ang TRAIN law upang protektahan ang publiko sa sumisirit na presyo ng bilihin at serbisyo sa lipunan.

National

‘Pinas, hindi babalik sa ICC – Malacañang

“Ang crucial po kasi dito is, we cannot just suspend it, kasi po iyong ating mga funding, lalung-lalo na po ‘yung sa free state universities, lahat po ‘yan ‘yung ating mga gustong pondohan, iyong mga increase sa salary ng ating personnel, ng ating mga guro, lahat po ‘yun, ‘yung plans natin to find all those, mahihirapan na po tayong pondohan ‘yun, kung ating isu-suspend iyong ating mga provisions nga po na ating binanggit,” depensa ni Alvarez.

Aniya, may mga probisyon na awtomatikong masususpinde ang TRAIN law kapag sa pagtaas ng fuel excise tax ay umabot na sa $80 kada bariles ang crude oil sa Dubai

-Genalyn D. Kabiling