Muling nagtala ng impresibong panalo si Jayr Raquinel nang patulugin sa pamamagitan ng left hook sa 4th round si Japanese challenger Shun Kosaka para mapanatili ang kanyang OPBF flyweight title nitong Linggo ng gabi sa Big Wave, Wakayama, Japan.

Ito ang unang depensa ni Raquinel ng kanyang OPBF crown na natamo niya nang patulugin si Japanese Kaisuke Nakayama sa 9th round noong nakaraang Marso 13 sa Korakuen Hall sa Tokyo kaya pumasok sa world rankings bilang

“The crushing left-hook that rocked down Shun Kosaka made the Japanese land on the canvas flat on his back, visibly hurt,” ayon sa ulat ng Philboxing.com.“At the 7 second-mark, the groggy 23 year-old warrior from Kobe, Japan, tried with a huge effort to get back on his feet. But the 10-second count delivered the experienced JBC referee came-in first, and the fight was over.”

Napaganda ni Raquinel ang kanyang rekord sa perpektong 10 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts, at isang tabla samantalang bumagsak ang kartada ni 15-4-0 win-loss-draw na may 4 pagwawagi sa kncokouts.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Inaasahang papasok na si Raquinel sa top 15 ng WBC rankings flyweight rankings na bagong kampeon si Cristofer Rosales ng Nicaragua.

-Gilbert Espeña