Nakaamba na naman ang isa pang oil price hike sa bansa ngayong linggo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 70-75 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina, at 40-45 sentimos naman sa diesel.

Ang nagbabadyang dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan, at ng epekto ng kaguluhan sa Middle East.

Nitong Mayo 22 lang ay nagdagdag ng P1.60 sa kada litro ng gasolina, P1.15 sa diesel, at P1 naman sa kerosene.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Dahil dito, kaliwa’t kanan ang hirit ng mga transport group para sa taas-pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

(Bella Gamotea)