HINDI na sinagot ni Rocco Nacino ang tanong ng fans nila ni Sanya Lopez kung bakit kailangan niyang i-unfollow ang aktres sa Instagram (IG), gayong love team lang naman sila at walang relasyon.

SANYA AT ROCCO copy

Mababaw para sa fans ang rason ni Rocco na in-unfollow niya si Sanya dahil sa girlfriend niyang si Melissa Gohing. Nagselos ba raw si Melissa kay Sanya, kaya nagdesisyon si Rocco na i-unfollow ang former love team sa IG at i-delete ang photos nila together?

Ang totoo, nauna pang nabuwag ang love team nina Rocco at Sanya sa love team nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia. Ang kaibahan lang, sa kaso nina Ruru at Gabbi, ang GMA Artist Center ang nag-announce by releasing an official statement.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kina Rocco at Sanya, hindi na kinailangan ang official statement dahil si Rocco na ang gumawa ng paraan nang i-unfollow si Sanya sa IG at i-delete ang mga litrato nilang magkasama.

Gumanti si Sanya, dinelete rin ang pictures nila ni Rocco at sa promo ng Music Museum concert na Oh, Boy! & Oh, Lol! Ay picture lang ng kapatid niyang si Jak Roberto ang ipinost, hindi isinama ang pictures nina Rocco, Dave Bornea at Derrick Monasterio.

Dahil sa ginawa ni Rocco, safe na sigurong sabihin na buwag na rin ang love team nila ni Sanya. Parang hindi maganda sa part ni Sanya kung papayag pa siyang makatambal si Rocco pagkatapos ng ginawa sa kanya.

–Nitz Miralles