CEBU CITY -- Sa na samu’t saring isyu na kinaharap ng Philippine Karatedo Federation, nanatiling matatag at focus ang mga miyembro ng National Team, sa pangunguna ng Cebuano na si Orencio James ‘OJ’ Delos Santos.

Nagbunyi ang kababayan ng 24-anyos na Fil-Am karateka nang pagharian ang Seniors Individual Men’s Kata at makadagdag sa ratsada ng Team Cebu sa overall medal leadership.

Naitala niya ang pekpektong 6-0 sa torneo mula nang lumahok dito noong 2011.

“Happy with the results.When you perform you will perform. This win is very important for me because I am keeping a winning streak here so I am just very happy with this,” pahayag ni OJ.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakuha naman ng pambato ng Dagupan City na si Mark Andrew Manantan ang silver habang bronze naman ang naiuwi ng isa pang pambato ng Cebu City na si Warlito Pantero at Argue Batiancilla ng Mandaluyong City.

Sa seniors Individual women’s, nagreyna si Ronaldine Flores ng San Juan City habang sina Sakura Alforte ng Paranaque City at John Enrico Vasquez ng Dagupan City ay mga maging kampeon aa Juniors Individual Women’s at Juniors Individual Men’s.

-Annie Abad