Sinabi kahapon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na maaaring talakayin ng Senado ang resolusyon na kumukuwestiyon sa pasya ng Korte Suprema na katigan ang quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Sotto na hindi niya pipigilan ang sinuman sa kanyang mga kapwa senador na idulog ang isyu para kanilang pagdebatehan.

“Kapag ito ay nakarating sa floor, pagdedebatehan namin ito,” sinabi ni Sotto sa isang panayam sa telebisyon. “We will hear both sides. We will not stop anyone from taking it to the floor for it to be discussed.”Pirmado ng 14 na senador, iginigiit ng resolusyon na tanging ang Senado ang may kapangyarihang patalsikin ang pinakamatataas na opisyal ng gobyerno, gaya ni Sereno, sa pamamagitan ng impeachment.

“As far as the impeachment is concerned, our hands are tied. If there are no articles of impeachment that would reach the Senate, there’s nothing we can do,” sabi pa ni Sotto, at nilinaw na hindi siya lumagda sa nasabing resolusyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Hindi ako pumirma d’yan, sapagkat nakasanayan ko na, and I don’t want to interfere with the judiciary,” aniya. “Sapagkat, ‘yun ang pinaka-ayoko sa lahat—kung mag-interfere (naman) ang judiciary sa amin.”Samantala, sinabi rin kahapon ni Sotto na dapat na magkahiwalay na bumoto ang Kamara at Senado sa usapin ng pagbabago sa 1987 Constitution.

“We have to vote separately. In the Constitution, if you read through it, you will find at least three provisions that always say—when it refers to Congress—voting separately,” sabi ni Sotto. “The only time the Constitution mentioned a joint voting, is in the issue of martial law declaration.”

Aniya, malinaw na nakasaad sa Konstitusyon na magkahiwalay ang tungkulin ng Senado at ng Kamara.

“Maliwanag na sa kahit ano (bills), ultimong pagpapangalan ng mga kalsada, pagpangalan sa mga eskwelahan, pag-create ng barangay—which are local issues—ipinapasa ng House, pero kailangan ipasa ng Senado—separately,” sabi ni Sotto.

-Hannah L. Torregoza