Isang traffic enforcer ang namatay nang lapitan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Navotas City, nitong Linggo ng gabi.

Dead on the spot si Edson Gubrian, 37, binata, kawani ng City Traffic Public Management Office (CTPMO) ng pamahalaang siyudad ng Navotas, at nakatira sa Raja Miranda, Barangay Daang Hari.

Nagtamo si Gubrian ng mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo.

Base sa ulat, dakong 8:45 ng gabi nang mangyari ang krimen sa tapat ng isang bigasan sa M. Naval Street sa Bgy. Tangos.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakaupo umano si Gubrian sa gilid ng bigasan nang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ito bago tumakas.

Iniimbestigahan pa kung may kinalaman sa trabaho ang pagpatay sa traffic constable.

-Orly L. Barcala