Sinibak na ni Pangulong Duterte si Transportation Assistant Secretary Mark Tolentino dahil sa paggamit umano nito sa kapatid ng pangulo upang maisulong ang Mindanao rail project.

Sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, sinabi niyang ayaw ng Pangulo na kausapin ng sinumang opisyal ng gobyerno ang mga kaanak nito upang maisulong lamang ang pansariling kapakanan, gaya ng ginawa ni Tolentino.

“The President has terminated the services of Assistant Secretary Mark Tolentino for having dealings with a presidential relative—a sister. Ginamit ni Asec. Tolentino ang First Family in justifying Mindanao rail (project) but the immediate reason for his termination is he had dealings with the presidential sister,” pahayag ni Roque.

Aniya, ang pakikipag-usap sa sinumang kaanak ng Pangulo ay sapat nang batayan upang p a t a l s i k i n s a p u w e s t o a n g sinumang government official.

National

Sali na! 73rd Carlos Palanca awards, bukas na sa publiko

“Do not even talk to them (first family) about any matter concerning government. You will get sacked if you do,” dagdag pa ni Roque.

-Genalyn D. Kabiling