CEBU CITY— Simula sa susunod na edisyon, gagawin nang taunang torneo ang Philippine National Games (PNG).
Ipinahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon “El Presidente” Fernandez na higit na mabibigyan nang sapat na kahandaan ang mga atleta kung sasabak sila sa taunang torneo hindi sa nakasanayang biennial meet.
“We want to give our athletes more exposure since the PNG will serve as one of the qualifying tournaments for those who want to be a part of the national team,” pahayag ni Fernandez.
Ayon kay Fernandez, ang PNG ay gagawin sa Davao City sa susunod na taon.
“It will be in Davao since the city is also hosting the Palarong Pambansa next year,” ayon kay Fernandez.
Kasalukuyang umiinit ang aksiyon sa PNG na nagbukas nitong linggo kung saan kabuuang 96 Local Government Units (LGI) ang nakikibahagi.
Pansamantalang tangan ng General Santos City ang liderato tangan ang anim na ginto, apat na silver at anim na bronze medal.
Pangalawa ang Cebu City na may limang ginto, siyam na silvers at anim na bronze.
Nasa pangatlo ang National Team na may apat na ginto, tatlong silver, habang nakabuntot ang Koronadal City na may apat na ginto tatlong silver, habang nasa Top 5 ang Tacloban na may tatlong ginto at isang silver.
May nakalaang cash incentives na P10 milyon para sa patuloy na pagasanay ng mga atleta, habang may P8 milyon ang runner-up at P6 milyon sa ikaltlong pueto.
-Calvin D. Cordova