Sinabi ng Malacañang na layunin ng pakipagpulong ng mga opisyal ng Pilipinas sa hepe ng United States Pacific Command (PACOM) na tiyakin na hindi matitibag ang matagal nang alyansa ng bansa sa superpower ng mundo.

Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos iniulat na nakipagpulong si Executive Secretary Salvador Medialdea sa magreretirong si PACOM chief Admiral Harry Harris Jr. sa Honolulu, nitong weekend.

Kasama ni Medialdea sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Officer-in-Charge Eduardo Año, at Permanent Representative to the United Nations Teodoro Locsin Jr.

Ayon kay Roque, hindi man naipaabot sa kanya mga detalye, masasabi niya na nilalayon ng pagpupulong na tiyakin sa US na hindi inaabandona ng Pilipinas ang matagal na nitong kaalyado sa kabila ng pakikipagkaibigan sa China.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

“I can only surmise that the visit is intended to reassure the United States that while we are pursuing an independent foreign policy, we have not actually abandoned our traditional ally, the United States, that it’s probably to reassure that we value the continued friendship and security cooperation we have had with the United States throughout the years,” ani Roque kahapon.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong weekend na muling nangako ang magkaalyadong bansa na patatagin ang kanilang relasyon.

“The Philippines and the United States have reaffirmed their firm resolve to bolster their enduring alliance anchored on common values and interest, historic ties, and the Mutual Defense Treaty, in high-level discussions in Honolulu,” saad sa pahayag ng DFA.

“The Philippine delegation had a very substantive exchange with Admiral Harris on regional challenges and both sides agreed that the alliance remains consequential to the preservation of regional stability and development,” ayon pa dito.

Sinabi rin ng DFA na kabilang sa mga tinalakay sa pagpupulong ang isyu sa South China Sea.

Ginanap ang high-level meeting kasunod ng mga ulat na nagkabit ang China ng mga missile at naglagay ng bomber sa mga pinag-aagawang bahagi ng karagatan.

-Argyll Cyrus B. Geducos