Inilunsad na kahapon ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) ang “Marawi Week of Peace”, upang gunitain ang ipinamalas na katapangan at pagkakaisa sa panahon ng pagkubkob ng mga terorista sa nasabing lungsod, eksaktong isang taon na ang nakararaan sa Mayo 23.

Sinabi ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na ang isang linggong paggunita nito ay nagsimula nitong Mayo 17-23, na kasabay din ng pagsisimula ng Ramadhan ngayong taon.

Tampok sa opening day nito ang pagbibigay-serbisyo sa publiko ng mga tauhan ng ahensiya ng pamahalaan na nakapuwesto sa Marawi City Hall grounds.

Kabilang sa nabanggit na mga ahensiya ang Department of Trade and Industry (DTI), na nagsagawa ng trade fair; at Department of Health (DoH), na nag-alok naman ng serbisyong medikal sa mga residente.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

“It is important to recognize the heroism and resiliency of people in terms of addressing the conflict that happened to them and rebuilding their lives again,” diin ni OPAPP Assistant Secretary Rolando Asuncion.

Tinukoy ni Asuncion ang kahalagahan ng kapayapaan upang mapanumbalik ang samahan at pakikisalamuha sa mga komunidad.

“Ang kapayapaan ay nagsisimula sa ating sarili. We need to reflect on our values, behaviors, and attitudes,” sabi pa ni Asuncion.

-Francis T. Wakefield