MAPAPANOOD ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya sina Kira Balinger at Yves Flores sa pagganap bilang magkasintahan na sinubok ng isang aksidente.

KIRA AT YVES

Magkaiba man ng mithiin sa buhay ay pinaglapit pa rin ng tadhana sina Grace (Kira) at Vhinez (Yves) nang ma-discover sila ng isang lalaking nagpasok sa kanila sa mundo ng pagmomodelo.

Sa ilang buwan na pagsasama nila, unti-unting umibig si Vhinez sa dalaga hanggang sa isang araw ay nagtapat na siya ng kanyang tunay na nararamdaman. Noong una ay hindi ito sinuklian ng kaparehong damdamin ni Grace ngunit dahil sa pagpupursige ng binata ay ibinigay niya ang kanyang matamis na oo.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Tatlong buwan pa lang sila bilang magkasintahan nang dumating ang isang dagok sa kanilang buhay. Naaksidente ang kanilang sinasakyan na ikinasira ng kanilang mukha.

Paano nalampasan ng magkasintahan ang pagsubok na ito sa kanilang karera at relasyon?

Makakasama nina Kira at Yves sa upcoming episode sina Irma Adlawan, Carlos Morales, Rochelle Barrameda, Fifth Pagotan, Kamille Filoteo at Avery Balasbas mula sa panulat ni Benson Logronio at sa direksiyon ni Nuel Naval. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head na si Roda C. dela Cerna.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.