“Low birth weight is one of the feared outcomes of pregnancy, and novel insight into risk factors is welcome,” sabi ni Dr. Ghada Bourjeily, isang sleep researcher sa Brown University’s Warren Alpert Medical School sa Providence, Rhode Island, na walang kinalaman sa pag-aaral.

pregnant copyAng mga buntis na regular na natutulog o namamahinga ay mas malaki ang posibilidad na magsilang ng sanggol na may malusog na timbang, ayon sa isang pag-aaral ng China.

“Sleep, its quality, and duration are emerging as risk factors for various perinatal complications,” sabi ni Bourjeily sa email.

Ang low birth weight, na inilarawan na less than 5.5 pounds (2500 grams), ay may kinalaman sa hindi magandang resulta ng kalusugan sa childhood at adulthood ng isang tao, kabilang ang pagkakaroon ng respiratory illness, diabetes at hypertension. Sa Amerika, tinatayang walong porsiyento ng mga sanggol ang mababa ang birth weight, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Sinuri ni Lulu Song ng Huazhong University of Science and Technology sa Wuhan at ng kanyang mga kasamahan ang impormasyon mula sa mahigit 10,000 kababaihan na naging partisipante sa 2012-2014 Healthy Baby Cohort study sa China. Kabilang sa grupo ang 442 kababaihan na nakaranas ng low birth weight babies, iniulat ng mga awtor sa journal Sleep Medicine.

Kumpara sa mga ina na iniulat na hindi umiidlip, ang mga buntis na natutulog o nagpapahinga ng isang oras at kalahati ay 29 na porsiyentong hindi makakaranas ng low birth weight.

Ang pag-aaral ay hindi controlled experiment kaya hindi mapapatunayan na ang mga buntis, na kinaugalian na ang pamamahinga, ay makakaapekto sa birth weight ng mga sanggol.

Ngunit, idinagdag sa pag-aaral ang “another piece of the puzzle as to why we should be aware about sleep practices during pregnancy,” sabi ni Dr. Louise O’Brien ng University of Michigan Sleep Disorders Center sa Ann Arbor, Michigan, bagamat hindi siya kasama sa pag-aaral.

Sinabi ni O’Brien, mananaliksik na nag-aaral sa sleep disruption habang nagbubuntis at perinatal outcome nito, sa Reuters Health na, “Many sleep behaviors are modifiable, and if napping is a risk for poor outcomes, then we need to understand why that is.”

Sinabi ni O’Brien na dapat alamin sa future studies ang aktuwal na haba ng pagtulog.

“Sleep is another vital sign that we should measure. Pregnant women shouldn’t get unnecessarily tested for sleep disorders, but sleep in general is highly underrated, especially in the United States,” sabi naman ni Dr. Suzanne Karan ng University of Rochester Medical Center sa New York, na hindi rin kabilang sa grupo ng mga nagsaliksik tungkol sa paksang ito.

“This napping study is another signal that paying attention to sleep is an important part of your overall pregnancy health,” lahad ni Karan sa Reuters Health. “Pregnancy is like a stress test that shows what health problems you could have later in life, so it’s important to pay attention and treat it now.”

-Reuters