PHYSICAL conditioning at konting maturity pa ang dapat tutukan ni world minimumweight title challenger Mark Anthony Barriga.

MAY bilis at talino sa laban, ngunit kailangang makondisyon ng todo si Barriga.

MAY bilis at talino sa laban, ngunit kailangang makondisyon ng todo si Barriga.

Ito ang assessment ni Survival Camp chief trainer Joven Jimenez matapos ang 12-round unanimous decision win ni Barriga kay Colombian challenger Gabriel Mendoza Linggo ng gabi sa Skydome sa Quezon City.

Ayon kay Jimenez, napansin niya sa final round na tila naging relaxed masyado si Barriga, marahil dahil na rin sa one-sided ang naging takbo ng kanilang title eliminator.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Dalawang 120-108 at isang 119-109 pabor lahat kay Barriga ang naging score ng tatlong hurado, dahilan para ibulsa ng Panabo native boxer ang panalo at ang katiyakan na mapalaban sa IBF world 105lb crown.

“Sa last round, napagsabihan ko siya kasi parang nag-relax. Siguro pagod na rin pero dapat hanggang last round andun pa rin ang aggressiveness kahit malaki na ang lamang,” ayon kay Jimenez.

May napansin man ito sa huling laban ni Barriga, iginiit naman ni Jimenez na halos kumpleto na ang skills ng London Olympian para masabing handa na itong mapasabak sa isang world title fight.

Ito’y kahit na isang knockout lamang ang naitala ni Barriga sa loob ng siyam na sunod na panalo na naitala ng Pinoy Olympian.

“Andun na lahat, bilis, timing, talino sa laro. Konting dagdag pa sa lakas siguro,” dagdag ni Jimenez.

Sa ngayon susuporta muna si Barriga sa US title defense ng stablemate niyang si Jerwin Ancajas na magdedepensa ng IBF superflyweight crown kontra sa kababayang si Jonas Sultan na gaganapin May 26 sa Fresno, California.

-DENNIS PRINCIPE