NI ADOR SALUTA

TANGGAP ni Young JV na dumaan sa beauty enhancement o pagpapaayos ng ilang bahagi ng kanyang mukha ang girlfriend niyang si Miho Nishida, dating PBB housemate. Suportado niya ang ginawa nito at wala siyang nakikitang mali rito.

JV at Miho

“Ang sabi ko sa kanya kung saan ka masaya gawin mo. ‘Wag mo isipin kung ano sasabihin ng ibang tao, kung saan ka masaya. I’ll always be supportive sa kanya, mukhang happy na happy siya eh, okay na siya doon! Pero sabi ko rin sa kanya okay na ‘yan, ha?” natatawang sabi ng binata nang ma-interview sa launching niya bilang endorser ng Megasoft Hygenic Products nitong May 8.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Gaya ng modern relationships ngayon ng celebrities, ayaw bigyan ng label ni Young JV ang relasyon nila ni Miho na anila’y four months na.

“Yeah, I guess we can say that, we don’t wanna give labels yet. Ayaw muna naming sabihing, ‘O, tayo na!’ So, I guess sa akin lang, gusto ko na siya muna ang magsalita,” kuwento ni JV.

At kahit galing si Miho sa tandem nila ni Tommy Esguerra, naiintindihan naman daw ni JV kung nag-a-adjust pa rin sila ngayon sa tandem nila ni Miho.

“May mga fans din, siyempre hindi naman po natin maiiwasan. Wala naman po akong issue sa kanila kaya happy lang ako,” pahayag pa ni JV.

Inaasahan na mas magiging aktibo ngayon sina Young JV at Miho sa kanya-kanyang career at inaasahan na magkakasama rin sila sa isang proyekto.