Ni Bella Gamotea

Arestado ang isang lalaking bumibili umano ng boto sa kasagsagan ng Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Taguig City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Teofilo Banares Jr. y Olisco, 58, driver, ng Barangay Upper Bicutan.

Sa ulat na ipinarating ng Southern Police District (SPD), dakong 7:39 ng umaga nang lapitan ng suspek sa Upper Bicutan Wet Market si Reynaldo Tumaca, nasa hustong gulang, botante, at inalok umano ng P1,000 cash mula umano sa kandidato para barangay kagawad na si Primo Quinisio, ng Bgy. Upper Bicutan

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Kaagad na humingi ng ayuda si Tumaca kay PO1 Macario Esteban, ng Police Community Precinct (PCP)-2, at nadakip ang suspek na nakumpiskahan umano ng P1,000 bill na sinasabing ginamit sa vote-buying.

Kakasuhan si Banares ng paglabag sa BP 811 Omnibus Election Code (vote buying) sa Taguig Prosecutor’s Office.