Ni Nitz Miralles

ANNULLED naman siguro ang marriage ng boyfriend ni Aiko Melendez na si Subic Mayor Jay Khonghun sa wife nito dahil hindi sila magiging open ni Aiko sa kanilang relasyon. Ang dami nilang photos sa social media account ni Aiko, naka-private setting naman ang Instagram (IG) ni Mayor Jay Khonghun, kaya hindi mapasok.

Aiko at bf copy

Bukod sa maraming photos, tumi-teenager ang peg ng mga post ni Aiko para sa boyfriend. Gaya na lang sa caption niya sa ipinadalang bouquet of red roses ng mayor noong Mother’s Day.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Thank you baby @mayor_jaykhonghun for the flowers” ang nabasang pa-thank you ni Aiko kay Mayor.

May litrato pa sina Aiko at boyfriend na may chocolate ang mga ngipin ni Aiko dahil obvious na may kinain na chocolate o baka chocolate cake. Ang caption niya, “I am myself when I’m with you.”

May photo pa ang lovebirds kasama ang dalawang anak ni Mayor na parehong nakangiti, ibig sabihin, nakakasama na nila ang future stepmom nila at tanggap nila ito dahil hindi naman pilit ang mga ngiti.

Ang wish ng mga kaibigan ni Aiko, maging maganda ang ending ng relasyon niya sa bagong boyfriend at maging sila na at magkaroon sila ng forever.