Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Isang taon matapos palitan ang pangalan nito, tutulak si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Philippine Rise upang idiin ang pagmamay-ari ng bansa sa underwater plateau.

Bibisita si Duterte sa Philippine Rise para rin gunitain ang pagpapalit ng pangalan nito mula sa dating Benham Rise, sa bisa ng Executive Order (EO) No. 25 noong Mayo 16, 2017.

Nitong nakaraang buwan, sinabi ni Duterte na bibisita siya sa PH Rise upang igiit na pag-aari ng Pilipinas ang lugar.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

“I’m going to set sail to Benham Rise and I will make a statement there that nobody but nobody owns this place, including the continental shelf,” ipinahayag ni Duterte nitong nakaraang buwan.

Naunang iniulat na tutungo si Duterte sa PH Rise para ihatid ang 50 Filipino scientists mula sa Aurora Province na magsisimula ng kanilang pananaliksik sa teritoryo na sagana sa likas na yaman.

Ang PH Rise ay isang natural submarine prolongation ng isla ng Luzon na matatagpuan may 135 milya mula sa baybayin ng Aurora Province. Ito ay tahanan ng mayamang marine biodiversity na may reefscapes ng corals, algae, at halimeda, at iba’t ibang isda.

Sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang Pilipinas ang may solong karapatan na galugarin ng mineral resources nito.