Muling pinag-aralan ng Pilipinas at ng United Arab Emirates (UAE) ang bilateral relations nito sa ikinasang 2nd political consultations sa UAE Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation, sa Abu Dhabi nitong Mayo 9, iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA).

HALALAN SA IRAQ Inilagay ng babaeng Iraqi ang kanyang balota sa electronic machine, bilang bahagi ng proseso ng pagboto para sa unang national election simula nang ideklara ang pagwawagi ng Iraq laban sa Islamic State group sa Baghdad nitong Sabado. (AP)

HALALAN SA IRAQ Inilagay ng babaeng Iraqi ang kanyang balota sa electronic machine, bilang bahagi ng proseso ng pagboto para sa unang national election simula nang ideklara ang pagwawagi ng Iraq laban sa Islamic State group sa Baghdad nitong Sabado. (AP)

Nabatid na kapwa co-chair ng naturang pagpupulong sina Philippines’ Foreign Affairs Undersecretary for Policy Enrique A. Manalo at UAE Assistant Foreign Minister for Human Rights and International Law Ahmed Abdul Rahman Al Jarman.

Tinalakay ng dalawang opisyal ang ugnayan ng dalawang bansa na nagsimula noong Hunyo 1980, gayundin ang mga prayoridad at paglago ng Pilipinas at ng UAE maging ang kooperasyon sa maraming larangan at dimensiyon.

National

143 Pinoy, pinagkalooban ng pardon ng UAE – PBBM

Bukod dito, pinag-usapan din ang nakabimbin na bilateral agreements ng dalawang bansa.

Sa mee t ing, binigyang-diin ng dalawang opisyal ang pangangailangan na pataasin ang bilateral trade (kalakalan) at investments (pamumuhunan).

Target naman ng Pilipinas na mapalawak ang economic cooperation sa UAE pagdating sa energy sector, halal industry, at Islamic finance. Sa

larangan ng pulitika, tinalakay din ang mga posibleng kooperasyon sa pagtugon sa terorismo at karahasan, maging ang paglaban sa human trafficking.

Nangako ang magkabilang panig na ipagpapatuloy ang bilateral labor cooperation at pagpapabuti sa people-to-people ties. Nagkasundo rin ang mga ito na isulong ang mas maraming palitan ng high-level visits, at paigtingin ang suporta sa multilateral frameworks.

Nagpalitan din ang dalawang opisyal ng kanilang mga pananaw kaugnay ng mga isyung nakaaapekto sa rehiyon.

Sa sidelines n g p o l i t i c a l consul t a t ions , n i l a g d a a n ng Pilipinas at ng UAE ang dalawang k a s u n d u a n , kab i l ang ang Memorandum of Understanding on Cooperation in Spo r t s a t Memorandum of Understanding for Cooperation o n T e c h n i c a l V o c a t i o n a l Education and Training (TVET).

Ang delegasyon ng Pilipinas ay pinangunahan ni Usec. Manalo at binubuo nina Philippine Ambassador to the UAE Constancio R. Vingno, Jr.; DFA Assistant Secretary for Middle East and African Affairs Hjayceelyn M. Quintana; Special Assistant Deena Joy D. Amatong, ng DFA Office of the Undersecretary for Policy; Director Germinia Aguilar-Usudan, ng DFA Office of Middle East and African Affairs; Third Secretary at Vice Consul Rowena R. Pangilinan, Daquipil, Labor Attaché Ophelia Almenario; at Commercial Attaché Eric Elnar.