Ni Beth Camia

HINDI ang karibal na si Manny Pacquiao ang nais makaharap ni five-time at undefeated World Boxing Champion Floyd Mayweather sa kanyang pagbisita sa Mindanao.

Ipinahayag ng tinaguriang ‘The Money’ at ipinapalagay na pinakamahusay na fighter sa kanyang henerasyon ang pagnanais na makadaupang-palad ang Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa Davao City.

Nasa itenirary ng boxing champion ang Pearl Farm beach resort sa Davao at ipinaabot nito ang kagustuhang makaharap ang Presidente.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Dumating sa Davao City si Mayweather kaninang alas tres ng madaling araw at sinalubong siya ni Special President Bong Go.

Wala pang impormasyon kung maisingit sa busy schedule ng Pangulo ang kagustuhan ni Mayweather na makita at makaharap ito ng personal.