Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Tuguegarao City)

2:00 n.h. -- PayMaya vs Pocari-Air Force

Carlos Yulo, sumilip sa live selling ng ina?

4:00 n.h. -- BanKo-Perlas vs Creamline

MAGSISIMULA ng kanilang title-retention bid ang defending champion Pocari Sweat-Air Force, habang hangad naman ng title contender Creamline ang ikalawang sunod na tagumpay sa pagdayo nila sa Tuguegarao ngayong weekend sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2018 Premier Volleyball League Reinforced Conference.

Masusubukan kaagad ang Lady Warriors sa pagsalang sa unang laro ngayong 2:00 ng hapon kontra PayMaya, habang makakatunggali naman ng Cool Smashers ang bago pa lamang sasalang na BanKo-Perlas ganap na 4:00 ng hapon. .

Nakipagsanib puwersa ang Lady Warriors sa Lady Jet Spikers sa hangad na palakasin ang kanilang kampanya para mapanatili ang korona.

Inaasahang mangunguna sa koponan ang mga beteranong sina Wendy Semana, Iari Yongco, Dell Palomata, Angel Mae Antipuesto ,May Ann Pantino , Myla Pablo, Elaine Kasilag at Jeannete Panaga.

Kinuha naman nila bilang imports sina Maddie Palmer at Arielle Love, na dating naglaro sa Radford at Duquesne sa US, ayon sa pagkakasunod. .

Tiyak na mapapalaban sila ng husto sa PayMaya High Flyers na galing sa panalo kontra Tacloban Fighting Warays sa pangunguna ng mga reinforcements na sina Nicole Rountree at Shelby Sullivan.