CALIFORNIA (AFP) – Ang California ang naging unang estado sa US nitong Miyerkules na nag-obliga ng solar panels sa lahat ng bagong residential buildings sa pagsisikap na mabawasan ang greenhouse gas emissions.

Sinabi ng California Energy Commission na ang bagong building standards, nagkakaisang pinagtibay ng mga miyembro nito, ay magkakabisa simula sa Enero 1, 2020.

“We are the first, we will not be the last,” sinabi ni commissioner David Hochschild matapos pagtibayin ang bagong mandato. “This is a landmark vote today.”

Batay sa plano, inaasahang magbabayad ang mga bagong may-ari ng bahay ng dagdag na $40 sa kanilang mortgage ngunit makakatipid naman sila ng $80 bawat buwan sa heating, cooling at lighting bills.
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline