DADAGSA muli ang ‘sabong nation’ sa Smart Araneta Coliseum para tunghayan ngayon ang maaksiyong semifinals ng 2018 World Slasher Cup Invitational 9-Cock Derby 2.

Kabuuang 156 entries ang naitala sa WSC 2 handog ng Excellence Poultry and Livestock Specialists at Pit Game Media Inc. ni CEO Manny Berbano.

Sasabak ngayon ang two pointers na sina Jess Moradas, Rene Medina ng California, Jun Ranola, Pol Estrellado, Jervy Maglunob, Julia Nicole, Ricky Magtuto, Tony Marfori, Gov. Claude Bautista, Marvin Rillo, Nelson Uy, Jun Lao, Boyet Legazpi, Amante Capuchino, Frank Berin at Mayor Francis Espiritu.

May 1.5 puntos sina Dr. Bel Almojera ng Florida, USA, Doc Ayong Lorenzo (DVH JSY Excellence), Jun Bacolod at Danny Buldog.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Apat o higit pang puntos ang kailangan ng isang kalahok para sa matibay na tsansa sa kampeonato.

Kasado ang 4 –cock finals sa Biyernes, May 11 (2 hanggang 3.5 puntos) at Sabado, May 12 (4 hanggang 5 puntos). Kilala bilang ‘Olympics of Cockfighting’, ang World Slasher Cup ay ginaganap tuwing b uwan ng Enero at Mayo kada taon.

Para sa patron at box tickets, bisitahin ang Ticketnet box office sa Araneta Coliseum Circle (Yellow Gate) o tumawag sa 911-5555.