rodina2 copy

PATULOY na pinatitibay nina Sisi Rondina at Dzi Gervacio ang katayuan ng beach volleyball para sa Pinoy nang gapiin ang mas malalaking sina Megan Nagy at Caleigh Cruickshank ng Canada, 21-17, 21-17, nitong Sabaso para makausad sa quarterfinals ng FIVB Beach Volleyball World Tour Manila Open sa Sands SM By The Bay.

Nakabawi ang Pinay duo mula sa kabiguang natamo sa kamay nina Paula Soria at Maria Belen Carro, 20-22, 21-23, Biyernes ng gabi.

Tinapos nina Rondina at Gervacio ang laban sa pool play na may 1-1 karta at nakatakdang harapin ang tambalan nina Shinako Tanaka at Sakurako Fuji ng Japan sa quarterfinals.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nabigo naman ang tambalan nina Beach Volleyball Republic champions Lot Catubag at Karen Quilario, isang policewomen na nakabase sa Davao City, kontra Thailand junior team members Singchuea Thatsarida at Chanthawichai Pawarun, 36-34, 23-25, 15-17.

Nauna rito, nasibak sa laban ang tambalan nina DM Demontaño at Jackie Estoquia kontra Germany’s Klinke Leonie at Lisa-Sophie Kotzan, 16-21, 12-21, habang sina Charo Soriano at Bea Tan ay naolats din kina Canadian Megan Nagy at Caleigh Cruickshank, 12-21, 15-21.