PNA
INAKSIYUNAN na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na siyasatin ang mga lupang pag-aari ng pamahalaan, upang isailalim ang mga ito sa agrarian reform at mapakinabangan.
“Our regional offices are already verifying the extent of government land in their respective areas of jurisdiction,” pahayag ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones sa isang media briefing sa Quezon City nitong Huwebes.
Sinabi ni Castriciones na agad niyang pinasimulan ang beripikasyon ng mga lupa, matapos niyang matanggap ang utos ng Pangulo noong Miyerkules.
Sa pagsisiyasat, malalaman ng DAR ang kabuuang sakop na lupa ng gobyerno na maaaring isailalim sa agrarian reform.
Layunin nitong mapagkalooban ng sariling mapagtataniman ang mga masasakang Pilipino na walang sariling lupa, upang mapalakas ang sektor ng agrikultura sa bansa.
Kasama sa sinisiyasat ng DAR ang nakatiwangwang na mga lupang pag-aari ng gobyerno na una nang naibigay sa mga pampublikong unibersidad at kolehiyo.
Ayon sa ahensiya, kabilang sa isasailalim sa agrarian reform ang tinatayang 4,000-6,000 ektaryang lupa ng Davao Penal Colony.
Target ng Kagawaran na matapos sa lalong madaling panahon ang beripikasyon, upang agad na maumpisahan ang kasunod na hakbang ng ahensiya na pamamahagi ng lupa sa mga kuwalipikadong benepisyaryo.
Kamakailan, sinabi ng DAR na nasa 300,000-600,000 ektaryang lupain ng pamahalaan ang kuwalipikado na isailalim sa reporma.
Ayon pa kay Bello, “The estimate also includes non-agricultural government land that’s either already being used for agriculture or has the potential for agricultural activities,” kung saan kabilang din ang ilang forestland.
“There are farming activities in forestland already,” dagdag pa niya.