SAN JOSÉ (AFP) – Ipinahayag ni Facebook chief Mark Zuckerberg nitong Martes na magkakaroon ito ng dating feature – kasabay ng pangakong prayoridad nito ang privacy protection sa gitna ng Cambridge Analytica scandal.

Pinasinayaan ni Zuckerberg ang mga plano sa annual F8 developers conference ng Facebook sa San Jose, California – binigyang-diin na layunin nitong tulungan ang mga tao na makahanap ng long-term partners.

‘’This is going to be for building real, long-term relationships, not just hookups,’’ ani Zuckerberg nang ipresint ang bagong feature, binanggit na isa sa tatlong marriages sa United States ay nagsimula sa online – at may 200 milyong Facebook users ang aminadong single.
Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na