LOS ANGELES (Reuters) – Sinalubong ng malalakas na hiyawan ng fans ang dating boy band na ‘NSync nitong Lunes, nang kilalanin at bigyan ng sariling star sa Hollywood Walk of Fame, makaraang tulungan si Justin Timberlake na sumikat at maging tanyag sa buong mundo.

NSYNC copy

Nag-reunite sina Timberlake, Lance Bass, JC Chasez, Joey Fatone at Chris Kirkpatrick sa Hollywood Boulevard para sa pagpapakita sa publiko ng emblematic terrazzo at brass star, na isa sa mga pangunahing tourist attraction sa siyudad.

“We’re really a family,” sabi ni Timberlake, 37, sa madla.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

“I don’t really think I could put into words how much the four of you mean to me. ... I just love all of you so much,” dagdag pa niya.

Isa sa pinakamatagumpay na grupo ng teen pop era na na siya ring katuwang na naglunsad ng karera nina Britney Spears at Christina Aguilera, ang ‘NSync ay sinalubong ng mga sigawan at sabay-sabay na pagkanta ng hit Tearin’ Up My Heart.

Ang pangalawang album ng banda na No Strings Attached, inilabas noong 2000, ay nanatili sa U.S. record na tumabo ng unang lingguhang kitang 2.41 million, sa loob ng 15 taon.

Sabay-sabay naman isinigaw ng mga dumalo sa seremonya ang “reunite” at “sing”.

Huling naglabas ng album ang ‘NSync noong 2001 at huling nakasama-samang nagtanghal noong 2002. Huli silang umakyat ng entablado na makajwsama sa 2013 MTV Music Video Awards.

Ibinahagi naman ni Bass, na umaming bakla noong 2006, ang pagkatakot niyang baka makaapekto sa tagumpay ng banda ang kanyang pagbubunyag.

“I wanted to so badly let you know I was you; I just didn’t have the strength then,” lahad ni Bass.

Bumenta ang ‘NSync ng mahigit 40 million records sa buong mundo. Binuo ang banda noong 1995 sa Orlando, Florida.