Ni NITZ MIRALLES

NAGPALITAN ng regalo ang magkaibigang Sharon Cuneta at Kris Aquino at recorded ito dahil ipinost nila sa Instagram (IG).

sharon copy

Noong kasagsagan ng isyu ni Kris kay James Yap, pinadalhan siya ni Sharon ng heart-shaped Gucci sunglasses na may kasamang mahabang note. Sa nabasa naming note, Baby Girl o BG ang tawag ni Sharon kay Kris.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“To my dearest Kris (my Beej/BG), hope you like your glasses! Thank you for your unbelievable generosity of heart and spirit. I can’t believe how much you’ve taught me when I didn’t seek further education when we...” hindi na ipinakita ni Kris ang kabuuan ng note ni Sharon.

Post ni Kris pagkatanggap ng gift ni Sharon: “#fangirl it is super heartwarming to be appreciated for just being me... and when the person showing the kindness went out of her way to buy me something she knew I’d like, and she happens to be our #megastar. Ate S, @reallysharoncuneta THANK YOU. “

Sa IG rin ipinost ni Sharon ang heart-shaped ding bouquet of red, white and peach roses na padala sa kanya ni Kris bilang pagbati sa wedding anniversary nila ni Sen. Kiko Pangilinan.

“Thank you soooo much, dear BG @krisaquino for the beautiful anniversary flowers! Yes, 22 years na kami ni Kik-yoo sa April 28 (kahapon). Thanks so much again!”

Natutuwa ang fans nina Sharon at Kris sa nabubuong magandang friendship sa dalawa. Ang wish nila ngayon ay mapanood sina Sharon at Kris sa isang project, pelikula man o TV show.