Ni Argyll Cyrus B. Geducos

SINGAPORE – Nakipagkita si Pangulong Duterte kina Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuân Phúc at Indonesian Prime Minister Joko Widodo sa 32nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit dito, nitong Biyernes.

Sa pakikipagpulong ni Duterte kay Nguyen nitong Biyernes ng hapon, tinalakay ng dalawang leader ang pagbili ng Pilipinas ng bigas mula sa Vietnam. Muling nagpahayag ang Vietnam ng kagustuhan na mag-supply ng bigas sa Pilipinas.

“Nanindigan lang po ang Vietnam na susuplayan nila tayo ng bigas kapag tayo ay nangangailangan at susuplayan nila tayo sa mababang halaga at sa mabuting kalidad ng bigas,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing sa Singapore, nitong Biyernes ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“At ang Presidente naman ay sumangayon na ang quality naman talaga ng Vietnamese rice ay napakaganda,” dagdag niya.

Samantala, pinag-usapan din nina Duterte at Nguyen ang tungkol sa pag-aresto sa mangingisda sa ilegal na pangingisda sa karagatan ng Pilipinas at ng Vietnam. Gayunman, ipinagdiinan ni Duterte na ang isyu ay hindi ganoon kabigat.

“Our President stressing hindi naman masyadong malaking issue ito. Ito’y maliit na bagay, so bandang huli nire-release naman,” iniulat ni Roque.

“At nagpasalamat naman ‘yun pong Prime Minister ng Vietnam lalong-lalo na nung nalaman nila na si Presidente mismo ang nag-send-off noong huling mga pinalayang mangingisda,” patuloy niya.

Samantala, sinabi ni Roque na nakipag-usap si Duterte kay Widodo hinggil sa modern-day terrorism at extremism, nitong Biyernes ng umaga.

“They will] talk about increased security, fight against illegal drugs and transnational crimes, and implementation of trilateral maritime and air patrols with Indonesia and Malaysia,” sabi ni Roque.

Iniulat din na binanggit ni Duterte ang kahalagahan para sa Pilipinas at sa Indonesia na manatiling magkasangga sa pakikipaglaban sa terorismo habang inaalam ang sintomas at sanhi nito.

Nais din ng Pangulo na palawigin ang pakikipagkalakalan sa Indonesia at hinikayat ang Indonesians na makiisa sa “Build, Build, Build!” infrastructure program ng pamahalaan.