SYDNEY (Reuters) – Magpapadala ang Australia ng military patrol aircrafts upang bantayan ang North Korean vessels, na pinaghihinalaang magdadala ng mga ipinagbabawal na kalakal na pagsuway sa United Nations sanctions, ayon kay Minister Marise Payne.

Ipinahayag ito ni Australian Prime Minister Malcolm Turnbull, isang araw matapos manumpa sa makasaysayang summit sina North Korean Leader Kim Jong-un at South Korean President Moon Jae-In para sa denuclearization sa Korean peninsula.

Ayon naman kay U.S. President Donald Trump, mananatili ang panggigipit sa Pyongyang sa pamamagitan ng pagpapataw ng mga sanction. Ito ay sa kabila ng nakatakdang pagpupulong ni Trump kay Kim.

“Australia is to send a P-8A Poseidon maritime patrol aircraft to Japan to contribute to the enforcement of United Nations Security Council resolutions in our region,” pahayag ni Defence Minister Marise Payne.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'