Ni Aaron B. Recuenco

Nagulantang ang mga residente ng isang barangay sa Parang, Maguindanao sa kalunus-lunos na pagkamatay ng dalawa nilang kapitbahay, na pinugutan sa isang plantasyon ng niyog.

Kinilala ni Senior Insp. Jemar delos Santos, tagapagsalita ng Autonomous Region in Muslim Mindanao regional police, ang dalawang napaslang na sina Ceasar Fermin, 42; at Jabon Bistas, 21, parehong taga-G. Calawag, Parang, Maguindanao.

Naiulat na dakong 9:00 ng gabi nitong Biyernes nang nagpaalam ang dalawang biktima sa may-ari ng coconut farm na makikitulog muna sila sa lugar dahil aani sila ng niyog kinabukasan.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Sinabi ni delos Santos na ilang linggo bago ang krimen, nakatanggap umano ng pagbabanta ang mga residente na ilang pamilya ang lulusob sa nasabing barangay sa hindi malinaw na dahilan.

Kahapon, dakong 5:00 ng umaga, nang nadiskubre ang krimen nang matagpuan ang mga pugot na bangkay ng mga biktima, 500 metro ang layo sa kanilang bahay.

Hindi pa natatagpuan ang ulo ng mga biktima, habang isinusulat ang balitang ito.

Iniimbestigahan na ang motibo sa insidente.