Ni Gilbert Espeña

MAGBABALIK aksiyon si dating WBO super flyweight champion Marvin Sonsona laban sa beterano at dating Indonesian super bantamweight titlist na si Arief Blader sa Mayo 13 sa SM City North EDSA Skydome sa Quezon City.

Magsisilbing undercard ang laban nina Sonsona at Blader sa engkuwentro nina world rated Mark Anthony Barriga ng Pilipinas at two-time world title challenger Gabriel Mendoza ng Colombia para sa pagkakataong hamunin si IBF minimumweight champion Hiroto Kyoguchi ng Japan.

Ito ang unang laban ni Sonsona mula noong 2015 nang iniulat na nalulong siya sa bisyo tulad kaya binitiwan ng kanyang manedyer.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngunit, iginiit ni Sonsona na nagbago na siya matapos magkaroon ng anak kaya muling magtatangkang maging world class boxer.

Natalo lamang si Sonsona sa 4th round knockout nang maglaban sila ni Puerto Rican Wilfredo Vasquez Jr. para sa bakanteng WBO super bantamweight title noong 2010 sa Bayamon, Puerto Rico.

Pero nakabawi si Sonsona sa kanilang rematch nang pabagsakin niya sa 1st round si Vasquez at tuluyan itong talunin para matamo ang NABF featherweight title noong 2014 sa Madison Square Garden sa New York.

May magandang rekord si Sonsona na 20-1-1 na may 15 panalo sa knockouts at lalaban ngayon sa junior lightweight division hanggang makarekober sa dating porma.