Ni Reggee Bonoan

“MAG-DIET kamo siya bago siya mag-two piece!”

SHAINA_please crop copy

Ito ang pabirong sabi ni Shaina Magdayao nang banggitin namin na maraming sensual scenes ang kanyang Ate Vina Morales sa bagong nito sa Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Talaga? Hindi ko alam kasi hindi kami nagkikita at nagkakausap. So ito pala ang bago niyang teleserye, Araw Gabi?” sabi ng bunsong Magdayao.

Okay lang ba sa kanya na magsuot ng two-piece ang ate niya, kung kailan ito nagkaedad na?

“Okay lang naman, gusto niya. Saka matanda na siya, alam na niya ginagawa niya. Mag-diet kamo siya!” say ni Shaina.

Wala pang sensual scenes sa mga ginawang teleserye si Shaina, pero sa pelikula ay nakagawa na siya kasama si Piolo Pascual sa OTJ (On the Job) ni Direk Erik Matti.

Mauulit pa ba ‘yon?

“Naku! Depende sa project at kung kailangan talaga, pero para sa akin kasi...”

Hindi tinapos ng dalaga ang sinasabi.

Mas konserbatibo si Shaina kumpara kay Vina at maging nang magka-boyfriend at magkahiwalay ay hindi naman siya nagbago ng imahe.

Pumayag na siyang magkaroon ng anak sa karakter bilang si Joey Girl sa Single Single Love is Not Enough pero hindi niya kinailangang magpakita ng skin.

Masayang-masaya si Shaina nang banggitin sa kanila ni Matteo Guidicelli na gagawin nang pelikula ang two-season TV series nila.

“Never in wildest dream ko na naisip na magiging pelikula kami. We did the first season and nagpapasalamat kami na nagustuhan ng mga tao, so nagkaroon kami ng second season and I’m not expecting a third, and now a movie.

“So, we would like to thank our bosses, the Philippine Star and Cinema One, and of course Star Cinema. Star Cinema is on board in distributing it. So maraming salamat,” say ng dalaga.

Ngayong 28 years old na ang dalaga (going 29 sa Nobyemre 6), may mga nagtatanong na sa kanya kung hanggang kailan siya magiging single.

”Hindi ko ho masasabi, eh. Apparently, marami pang ‘pinapagawa sa aking projects, ayaw pa ho akong pagpahingahin. And don’t get me wrong, I’m very grateful sa mga trabahong dumarating po sa akin. In perfect time, mangyayari ‘yun. Pero kung kelan, hindi ko pa po alam. Hindi naman po ako nagmamadali,” paliwanag ng aktres.

For the nth time, iginiit ni Shaina na good friends lang sila ni Piolo at kahit daw paikut-ikutin ang tanong ay iisa ang sagot niya, “magkaibigan lang po talaga kami ni Piolo.”

Anyway, sa Single Single Love is Not Enough ay gumaganap na single mom si Shaina dahil hindi sila nagkatuluyan ng ama ng anak niya, at ang karelasyon niyang si Matteo na tumatayong ama ng bata ay may conflict sila sa maraming bagay.

Sanay mag-alaga ng bata si Shaina dahil halos lahat ng mga pamangkin niya sa kanyang mga ateng sina Sheila at Sheryl ay siya ang nag-alaga noong maliliit pa. Medyo busy na siya sa showbiz nang ipanganak ni Vina si Ceana kaya hindi na niya natutukan, pero sa kanya ito iniiwan kapag may out of the country shows ang nanay.

Mapapanood na ang Single Single Love is Not Enough sa Mayo 2 mula sa direksiyon nina Veronica ‘Roni’ Velasco at Pablo Biglang Awa, Jr.