Ni ADOR SALUTA

LOOKING fresh at panay ang ngiti ni JM de Guzman nang humarap sa mga press people last Monday para sa bagong proyektong ibinigay ng ABS-CBN sa kanya sa ilalim ng ESB unit ni Direk Ruel Bayani.

bARBIE AT JM copy

Matagal-tagal ring nawala sa limelight si JM dahil sa pagsubok sa buhay na hindi niya nakayang harapin, ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot at pagpasok sa rehab.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bagamat aminado siyang naninibago at kabadong humarap sa entertainment press, napakasaya ng aktor sa ibinigay sa kanyang mahalagang role, na magsisilbing comeback sa Kapamilya afternoon timeslot, ang Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi.

“Kinakabahan po ako. Parang hindi ko alam ang sasabihin ko,” paunang sambit ng binata.

Hindi pinalampas ng reporters na maitanong sa aktor ang ilang personal na bagay, lalo na ang dating relasyon nila ni Jessy Mendiola. Kung sa palagay ba niya, ang “madilim” na nagdaan sa kanyang buhay ay bunga ng hiwalayan nila ng aktres? Bali-balita sa showbiz noon na iniyakan ni JM ang hiwalayan nila kaya’t sumubok uli siya ng drugs para makalimot.

“Hindi ko (siya) puwedeng sisisihin du’n, eh, kasi lahat naman ng tao nagdadaan sa kahit anong problema. Isinisisi ko lahat ng nangyari sa maling choices na ginawa ko to deal with my problems,” sagot niya.

Matagal na raw silang hindi nagkakausap ni Jessy, pero nagkita sila minsan sa isang restaurant bagamat hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkabatian.

Aware si JM na masaya na si Jessy sa piling ni Luis Manzano. Alam din niyang papunta na sa kasalan ang relasyon ng dalawa.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang proseso ng kanyang rehabilitasyon at mayroon siyang support group na nakaagapay sa kanya.

“Meron po akong support group, sa mga kaibigan, family sa peers ko and monthly nagkikitakita kami ,” kuwento niya. “‘Yung support group po, hindi ako binibitawan.”

Ang ilan sa mga aral na natutuhan niya: “Kailangan ding maging humble enough pa rin ako to seek help. Kasi ang recovery naman po kasi hindi naman natatapos agad. It’s a life-long struggle or fight. Kung tumigil ako sa paghingi ng tulong o support, doon ako puwedeng madapa po ulit.”

Zero ang lovelife ngayon ni JM kaya tinutukso siya kung may posibilidad bang magkadebelopan sila ng kanyang leading lady na si Barbie Imperial sa Araw Gabi.

“Wala pa,” diretsong sagot niya. “Sana!” sabay ngiti at tingin kay Barbie, na ikinatuwa ng mga dumalo sa presscon.

Mapapanood na ang Araw Gabi simula sa Lunes (April 30). Makakasama nina JM at Barbie sa bagong series sina Vina Morales, Ara Mina, Jane Oineza, Ysabel Ortega, Victor Silayan, at marami pang iba, mula sa direksiyon ni Theodore Boborol.