Ni Annie Abad

PROTEKTAHAN ang mga national records ang binabantayan ng Philippine Track and Field Association (PATAFA) kung kaya hindi nila maikunsidera na mga bagong rekord ang naitala umano sa athletics event sa katatapos na Palarong Pambansa sa Vigan, Ilocos Sur.

Juico (PHOTO/LINO SANTOS)

Juico
(PHOTO/LINO SANTOS)

Ayon kay PATAFA president Philip Ella Juico, hindi basta-basta ikinukunsidera na mga bagong rekord ang naitala ng ilang mga atleta sa nasabing multi sports event, dahil hindi ito maituturing National Record.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Wala namang national record na na break. Palaro record meron, pero National record wala. They can keep the record, pero we cannot recognize that. Baka masuspinde kami ng International Association of Athletics Federation (IAAF), if we do that,” pahayag ni Juico.

Taliwas sa sinasabi ng Department Of Education (DepEd) Undersecretary Tonisito Umali na sira umano ang electronic timer na kanilang hinihiram kung kaya’t ginamit nila ang manual measurement.

“We seek help from Philippine Sports Commission (PSC), particularly PATAFA, pero sira kasi ‘yung equipments nila, kaya hindi nagamit,” ayon kay Umali nang tanungin ito media conference hingil sa isyu ng manual measurement.

Ngunit, lumalabas na hindi talaga ipinahiram sa DepEd ng PATAFA ang nasabing equipment gayung ang nais ng Kagawaran ng Edukasyon na mangyari ay sila ang magmamaneobra sa nasabing equipment at hind ang technical officials ng Patafa.

“They wrote us a letter two days before Palaro, pero gusto nila sila ang mamimili kung sino ang hahawak sa equipment. E yung iba hindi naman qualified at hindi marunong humawak ng equipment na ganun, so we did not let them,” pahayag pa ni Juico sa Balita.

Iginiit din ng PATAFA chief na hindi maaring maikunsidera ang mga bagong record sa 100m dash, 200m, hurdles at triple jump, gayung wala din umanong ginamit na wind gauge ang DepEd sa pagsasagawa ng nasabing mga events.

“Well, if they really want to coordinate, they have to respect our rules here,” dagdag pa ni Juico.