Ni Czarina Nicole O. Ong

Maghahain ng graft ang Office of the Ombudsman laban kay dating Agriculture Secretary Proceso Alcala at sa 23 iba pa dahil sa pagmamanipula umano ng mga ito sa cartel ng bawang sa bansa noong 2010 hanggang 2014.

Bukod kay Alcala, kakasuhan din ng paglabag sa Section 3(e) ng R.A. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) si Bureau of Plant Industry (BPI) Director Clarito Barron, at sina Merle Palacpac at Luben Marasigan, division chiefs ng BPI.

Sasampahan din ng kaparehong kaso ang garlic traders na sina Lilia Cruz, Edmond Caguinguin, Rolan Galvez, Rochelle Diaz, Ma. Jackilou Ilagan, Jon Dino De Vera, Napoleon Baldueza, Jose Ollegue, Laila Matabang, Angelita Flores, Gaudioso Diato, Denia Matabang, Jose Angulo, Jr., Raffy Torres, Mary Grace Sebastian, Renato Francisco, Rolando Manangan, Orestes Salon, Prudencio Ruedas, at Shiela Marry Dela Cruz.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Nadiskubre ng Ombudsman na simula 2010 hanggang 2014, nasa 8,810 import permit (IP) ang ipinalabas at inaprubahan nina Alcala, Barron, Palacpac at Marasigan. Sa nasabing bilang, 5,022 IP ang nakuha ng mga importer at affiliate ng Vendors Association of the Philippines, Inc. (VIEVA), na pinamumunuan ni Lilia Cruz.